Pasok sa Top 5 ng Miss Grand International 2024 ang pambato ng Pilipinas na si Christine Juliane “CJ” Opiaza.
Bukod sa Philippines, pumasok din sa Top 5 ang mga kandidata mula sa Myanmar, Brazil, India, at France.
Read: CJ Opiaza slayed question about Miss Grand being a “cooking show”
TRENDING ON SOCIAL MEDIA
Popular search sa social media ngayong Biyernes ng gabi, Oktubre 25, 2024, ang Miss Grand International 2024 na kasalukuyang ginaganap sa Bravo BKK Mall sa Bangkok, Thailand.
Kahit matagal nang may panawagan ang Filipino beauty pageant fans na i-boycott ang patimpalak-kagandahang itinatag ng Thai television personality at businessman na si Nawat Itsaragrisil, marami pa rin ang nakatutok at sumusubaybay sa coronation night na live na napapanood sa YouTube channel ng naturang organisasyon.
Sa loob ng 12 taon ng Miss Grand International ay wala pang Pinay na nag-uuwi ng korona.
Read: CJ Opiaza slayed question about Miss Grand being a “cooking show”
Si CJ ang pinakahuling tinawag sa Top 10 candidates kaya nagkaroon ng pangamba ang kanyang mga tagasuporta na baka maligwak siya.
Sa kabila ng mga paratang na may diskriminasyon sa mga Pilipino si Itsaragrisil at ang Miss Grand International Organization, umaasa ang mga Pilipino na si CJ ang mag-uuwi ng korona ng Miss Grand International.
TOP 10
Ang mga pumasok naman sa Top 10 ay ang Indonesia, France, Myanmar, Peru, Spain, United Kingdom, India, Brazil, Dominican Republic, at Philippines.
(This is a developing story.)